Thursday, June 26, 2008

Nobody ever listens to me anymore...

Pilit kong di sumuway sa inyo pero ako hindi niyo man lang mapagbigyan kahit isang beses man lang.. Naiinis ako kasi napaka-insensitive niyo. Samantalang ako palaging nakikiramdam sa inyo. Laging concerned sa inyo baka masaktan ko kayo or something.. Laging ako yung nag-aadjust.. Laging sumasalo sa mga kamalian niyo. Ako yung namomroblema sa mga problema niyo na wala namang kinalaman sakin pero dahil sakin lang kayo umaasa, ako na ang sumasalo ng lahat.

Wala yun sakin..
Ayos lang ako..

Kaya lang nababalewala naman lahat ng ginagawa ko PARA LANG SA INYO.

Sorry, Ja.
Ayos lang :)

Pasensya ka na. Di na mauulit 'to.
(after 2-3days nangyari na naman..)
Ayos lang :)

Ja, okay ka lang ba? Sorry ha..
Ano ka ba. Ayos lang no :)

Tulungan sana kita kaso may gagawin pa ko eh..
Sige una ka na, ayos lang :)

Ayos lang.. sana naman mapansin niyo na palagi na lang yun ang sagot ko everytime na may gagawin kayong masama sakin, or everytime na may favor kayo, or kapag may kailangan kayo sakin.. Yun lang ang sagot ko. AYOS LANG :)

Hindi ako galit sa inyo.. ayos lang naman talaga sakin. Kahit na minsan halatang halata na na ginagamit niyo lang ako.. ayos lang sakin. Pero hindi naman kasi ako forever na magsasabi ng
ayos lang sabay ngingiti..

Napapagod din ako.

='(

16 comments:

Anonymous said...

ganyan din aq nung student pa ako..
or even sa family and friends.

minsan kelangan mo din magalit para nman matauhan sila,abuso na sila ah.
feeling nila di ka marunong mapagod?

aba,aba,,teka nga..

Pedro said...

sa panahon ngayon marami talaga ang mga friendly-user na nagkalat.

ang emo ng post, naantig naman ako.

Anonymous said...

kung puro ganyan..ndi na ayos yun..magalit ka rin minsan at matuto kang tumanggi..mamimihasa lalo yang mga yan...hehe..napadaan lang :-)

Frankie Torrelavega said...

dear, if you feel like no one listens to you anymore... listen to yourself. at least madaling kausap ang self diba?

Steph said...

Aww Japots. Sino yan? Kelangan mo ng resbak? haha. :) Cheer up! :D

Señora Regina said...

churvah-- kasi pag nagalit ako hindi na ko nakikipag bati eh nyaha.. usually ganon kaya natatakot na kong magalit. medyo mataas din kasi pride ko kaya mas okay nang "mabait" ako kesa sa maging selfish davah.. hehe

pedro-- marami nga. taghirap na kasi rawr.
emo ba? shet. hehe

ellieshe-- well, basahin mo na lang yung reply ko dun sa comment ni churvah.. yun na ren reply ko sayo :P

salamat sa pagdaan :)

sui juris sprite-- ate frankie!!! i miss you! :)
aynako, palagi ko naman pinapakinggan sarili ko.. kaso yan nga yung effect hahaha amp.

tepaio1-- maraming tao yan.. hahaha next time na ang resbak resbak.. pag medyo abusado na talaga, girl. hehe

lumabas nga tayo, hayup ka, i miss you! ;)

Dakilang Tambay said...

ganyan ako palagi kahit na minsan abusado na sila

Señora Regina said...

ponchong-- Oo. Ayos lang ako :) ahaha
Salamat sa pag-update ng link hehe
Hinahayaan ko nga lang sila.. kaya nga naabuso naman.. nyar

dakilang tambay-- hay wawa naman ate mia.. Di mo ren ba kaya magalit?

napunding alitaptap... said...

awww. . .

ahahaha, ganan din ako dati. nakakapagod. pero pag ginawa mo yun out of love, hindi nakakapagod.

ay, seryoso, hindi solusyon ang magalit, magpaliwanag, pwede pa. =p

ay, ang bait. ahahaha. . .

huhuhu, sabi mo babalik ka sa blog ko, sabi ko pa naman hindi ako magbablog ulit hanggang hindi bumabalik si jaja.

ayun, pero inaagiw na at nagmistulang tahanan ni spiderman yung blog ko, wala pa din.ayun, may bago nanaman ako post. kahapon lan, dali, sayo ko lan pati sasabihin kung kaninong blog yung sinagot ko tungkol sa post na yun. =p

dalaw ka ha...wet kita... uke?!

flyfly!

Señora Regina said...

Onga naman.. out of love.. hmm.. pero minsan din kasi abusado naman talaga.. tipong sagad na ang panggagamit. Pero hindi ren naman ako maka-hindi.. hayyyy..

Nako.. alam mo ba, medyo nagtatampo na ko kasi hindi ka na nadadaan ng blog ko yun pala naghihintay ka ren pala sakin.. waaaa Natuwa ako nang nakita ko na nagcomment ka!!! Wuhoo!! hehe

Sorry kung di na ko nakakadalaw kasi sobrang busy-busyhan ako ngayon at 730-730 ang sched ko ngayon. Although meron akong 6-hour break at 4-hour break parang kulang paren sa oras para kumain at magaral. dyusko hahahaha
kaya pasensya na kung inagiw ang iyong blog huhuhu
Pero namiss talaga kita...

Go sabihin mo na sakin.. nakadalaw na ko at nabasa ko na pero nalito lang ako. Kailangan ng prologue ahihi

=)

TENTAY™ said...

Bilib din ako sa understanding mo... kasi pag ako mabilis mapundi. maswerte sila sayo, pero ikaw hindi. hindi fair lahat. mahirap magkaron ng feeling friend na user. pag naabot na, iiwanan ka. panget nila.

Señora Regina said...

Mahirap nga talaga.. eh ganun talaga sa mundo. Wala namang fair talaga eh..

Salamat sa pagbasa at pagcomment :)

Anonymous said...

Kapag hindi ka okay,
sabihin mo saken/samen.
;) - FAB04
Alamo namang kadamay mo kame.
Pag may nagawa naman kame
sayo na hindi namen napansing
hindi pala maganda, sabihin mo din.
Be open. ;)

LoveYou.

-AngelaJorrel

napunding alitaptap... said...

ay maarti, ahahaha, naghihintayan pala tayo. apir! wahahaha!

natawa ako kasi sinabi ko TLAGANG TALAGANG TALAGA na hindi ako magpopost hanggang walang comment si ja. ayun. . .ang tagal talaga.

wahaha... send ko sa multiply mo. pm. uki.

garabe pala ang sched mo, nakkapagod nga, impernes.

Señora Regina said...

napunding alitaptap--
Hehe may kaartihan pa tayo na hintayan eklats sus hahaha

Nako nakita ko na.. nabasa.. at.. waaaaa dyusko naman.. Nadala ako sa inyo.. =(

Ay oo.. nakakapagod talaga ang sched ko haaay

Señora Regina said...

Jela, you know I am very much open to you guys (my very own fab04) Pero hindi naman kayo yung nasa entry na to.. Kahit kelan di naman ako nakaramdam ng panggagamit sa inyo o pangaabuso even.. Thank you dearest =')

Kayo naman talaga ang natatangi kong natatakbuhan pag may problema ako eh.. Dahil alam ko kahit na hindi niyo na ko maintindihan eh pilit niyo parin akong iniintindi.. Aylabyusomats!!!